Yan ang typical na monologue ng mga pangkaraniwang mangagawa ngayon. Nakasanla kasi ang kanilang oras sa kanilang trabaho—nakatali sa mga kumpanyang pinapasukan nila. Ang kapalit nito? Pangtustos sa pang-araw araw na gastusin at personal na bisyo o luho. Sa simula, mukhang okey lang naman, kasi nagkakaron tayo ng panandaliang oportunidad para magawa ang gusto nating gawin: bumili ng bagong gamit, kumain ng masarap na pagkain, gumimik, makatulong sa bahay, atbp. Kaya nga hindi maiiwasang maging excited magtrabaho ang mga bagong graduate. Akala natin malaya na tayo. Pero hindi natin napapansin na sa pagtaas ng lebel ng ating gastusin, ay dumadami din ang oras na ating naipagpapalit para mapanatili ito. Kaya tuloy madami na tayong napapalampas na mga pagkakataon makasama ang mahal natin sa buhay, marami tayong nililimitahang puntahang lugar o bakasyon, maraming napapalampas na mga oportunidad na matuto at makatuklas ng ibang alternatibo upang mapanatili ang ating “lifestyle” na hindi lubusang nakokompromiso ang ating panahon. Nananatili tayong bulag sa mga bagong paraan na ito dahil nakatali ang ating oras. Nananatili tayong subsob sa trabaho hanggang sa hindi na natin namamalayan, napaglipasan na pala tayo ng panahon at ung mga pinaghirapan natin ay hindi na natin mapahalagahan ng lubusan. Sa mga ganitong pagkakataon, madalas na tanong ay ano ba ang pwedeng gawin?Pero hindi ba ang mas dapat na munang itanong sa sarili ay kung ano ba ang gusto mo?Kung gusto mong mabawi ang oras mo, simulan mo sa sarili mo. Napagtanto mo na ngayon na kapag may oras ka, malaya ka nang makakapagdesisyon ng mga nais mong gawain na hindi iniitindi ang ibang bagay. Pwede ka ng matulog ng matagal kahit weekdays, makipaglaro kasama ng mga anak na walang iniintinding meetings, magbakasyon engrande, magrelax, magvolunteer, at iba pa. Simulan mo ngayon na. Hindi ko hinihiling na kumawala ka na sa trabaho mo ora mismo, pero pa-unti unti ay tuklasin mo ang mga paraan para mabawi mo kahit ilan sa iyong oras. Ilaan mo ito sa sarili mo. Magbasa ka ng mga libro at mga artikulo tungkol sa “time freedom”, sa panahon ngaun, marami ng impormasyong makikita sa paligid, nandyan ang tv, radyo, dyaryo at internet. Bukod pa dito, maghanap ka ng mga kapwa mo indibidual na may kaparehong adhikain--ung mga taong hindi lang tutulong sayo, kung magpapalakas ng iyong loob para malaman mo ang tamang gawin. Maghanap ka ng mga libreng kurso na ipinapakita kung paano mo hinahawakan ang oras mo ngaun at nagbibigay ng mga paraan para mas epektibo mo pang maayos ito. Sabi nga ni Bob Ong: “nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang nadadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”Hihintayin mo bang mapagdaanan ka ng panahon ng hindi nararanasan kung paano tunay na maging malaya? Magpapadala ka ba sa mga pagsubok na haharapin mo para makamit ito? Nasa sa iyo yan. Ikaw, Hanggang kailan mo isasanla ang oras mo?
More about the author: http://www.ca2020.net/profile/MayPagkaliwangan
Posted via email from Create Abundance 2020 Business Community
No comments:
Post a Comment